August 30, 2006

sipit

hindi kayo ang mga sipit na kinagisnan ko
sila'y gawa sa kahoy, kayo'y gawa sa plastik at alambre
sila'y simple lamang, kayo'y kumplikado
mas matibay kung ihahambing sa inyo

pero nasaan na kaya sila
puro kayo na lang ang nakikita ko
sila siguro'y magastos at mahirap gawin
habang kayo'y mura't sandali lang buuin

sa alambreng pinagiiwanan
naghihintay ng mga basang damit
pantulog o panggala, panloob man o panlabas
sila'y pinatutuyo habang kayo'y kumukupas

ang sipit nagbago man ang anyo
ang materyales pati ang disenyo
maliliit pero kayo'y mahalagang bagay
halina't dami pang sisipitan sa loob ng bahay

August 30, 2006

No comments:

Current Moon Phase

CURRENT MOON